1. Ang babae, nirerespeto, inaalagaan! Hindi 'yan PSP na bubunutin mo lang sa bulsa 'pag gusto mo ng paglaruan. Hindi 'yan iPod na papakinggan mo lang kapag wala kang libangan. At hindi 'yan Red Horse na p'wede mong laklakin hanggang madaling-araw. Ang babae, marami mang arte sa katawan, hindi 'yan gadget para kolektahin at paglaruan.
2. Bakit ka magpaparamdam sa taong hindi marunong makaramdam? 'Wag kang magpakatanga, sa taong hindi marunong magpahalaga. Matuto kang sumuko at mang-iwan, kung lagi ka namang sinasaktan.
3. Imbis na magtanong ka ng 'Hindi pa ba sapat?', bakit hindi mo na lang kalimutan ang lahat? Kung alam mong binabalewala ka na, tanggapin mong nagsasawa na s'ya.
4. Wag kang magpadala sa salitang 'sorry' at 'ayokong mawala ka.' Kung totoo 'yun, patunayan n'ya.
5. Paano mo masasabing special ka sa isang tao kung ang bawat ginagawa niya sa'yo ay ginagawa din n'ya sa iba?
6. Sabi nila, kahit ano daw problema, isang tao lang ang makakatulong sa'yo - ang sarili mo. Kaya siguro namigay ng konsensya ang D'yos. Alam n'yang hindi sa lahat ng oras gumagana ang utak ng tao.
7. Minsan pala kailangan rin ang lakas para sabihing mahina ka, ang karapatan kong madapa at bumangon sa buhay ng walang tatatawa, magagalit, magtatanong o magbibilang kung ilang beses na kong nagkamali at ilang ulit ako dapat bumawi.
8. Lahat naman ng tao sumeseryoso 'pag tinamaan ng pagmamahal. 'Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon.
9. Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sa'yo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.
10. Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? Alam ba nilang 'pag natuto silang umibig eh hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?
11. Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.
12. Kahit ikaw ay parang bato na manhid at walang pakiramdam, mag-ingat-ingat ka naman. Dahil kahit ganyan ka, hindi nasasaktan, kaya mo namang makasakit.
13. Ganyan talaga ang mga tao, pipihit-pihitin ang katotohanan hanggang sa sumang-ayon na ito sa kumportableng posisyon ng mga makasarili nilang puso.
14. Hindi naman yung taong mahal mo ang mahirap kalimutan nung nawala sya sa'yo eh, kundi yung taong naging ikaw dahil sa kanya.
15. Walang taong manhid. Hindi niya lang talaga maintindihan kung ano ang gusto mong iparating dahil ayaw mo siyang diretsuhin.
16. Pare, isa kang totoong tao at walang halong kasinungalingan. In English, FACT you, pare. Totoo ka. In English, FACT you!
repost from:
http://www.facebook.com/home.php?#/note.php?note_id=46421417502&ref=nf
padaan hehe
ReplyDelete:D wla lang
silip lang ako
paout na din
mwaaaah!
LOL!!! eyelovethis.........
ReplyDeleteoi Pia!! napadaan ka! :)
ReplyDeleteso loved this version :) thanks for sharing....
ReplyDeleteay korek korek!
ReplyDeletenakuha ko lang din sa facebook evey! :)
ReplyDeleteo di bah?! MAY TAMA SIYA!!
ReplyDeletegrab ko po ah hahahaha :D
ReplyDeleteokieness!! hehe
ReplyDeletehehe galing ni Bob Ong Fact you
ReplyDeletehello donna!! :))
ReplyDeletehehe.. nice ones! simple pero rock!! puro patama sa mga pwedeng tamaan ah hehehe...
take care!
2, 11 and 14 ang tumama sa akin. ouch! ehehehe
ReplyDeleteahehehe.. madami ba natamaan? ;)
ReplyDeletehehehe.. sapul ba? pasok sa banga!! haha
ReplyDeletehahaha. 'yung banga ang nasapol! heheh
ReplyDeleteoo naman.. buti na lang hindi ako kasama sa mga natamaan! hahaha joke lang hehe.. musta na donna?? :) ndi ka ym ah hehe
ReplyDeletehehehe.. medyo busyness lang :)
ReplyDeletekelan wedding mo sis? :))
ReplyDeletebest wishes! hehe
korek...korekok... hahaha
ReplyDelete