at dahil hindi ako makatulog!!! ayan, napagtripan ko i-post.
1. pwede bang uminom ng softdrink kapag coffee break?
Pwedeng uminom ng softdrink kung coffebreak ngunit kailangan itong lagyan ng asukal at kopimeyt. kopimeyt dapat at huwag gatas. (milk in my cereal, kopimeyt in my pepsi. sounds good to me!)
2. ang fire exit ba ay labasan ng apoy?
Ang fire exit ay ginagamit lamang bilang labasan ng apoy kapag may sunog. Ito ang kanilang daan upang sila'y makatakas o ang tinatawag na "fire escape".
3. totoo bang ang mga manok na pinatay sa jolibee ay masasaya kaya sila tinawag na chicken joy?
Ang mga manok na pinatay sa Jolibee ay masaya kung kaya't sila'y tinawag na chicken joy. Ngunit hindi kinakailangang sa jolibee patayin ang manok upang ito ay maging masaya...ang mga manok ay nagiging masaya kapag sila ay may kasama sa buhay. Kapag ito ay nag-iisa lamang, ito ay hindi chicken joy kundi...mcchicken singles.
4. mayroon bang kahit isang langgam na mahilig sa maalat?
Alam na ba ninyo iyong patawa na "itlog maalat"? Nakagat ako minsan ng langgam.......
5. kung ang 7-11 store ay bukas 24 hrs a day , 7 days a week , at 365 days a year. bakit may lock pa ang pinto nila? bakit ?
bakit? Dalawa ang dahilan. Una, may coffee break (tingnan ang katanungan bilang 2 hinggil sa maaaring inumin kapag coffe break) din naman ang mga nagtatrabaho sa 7-11. Pangalawa, mayroon tayong tinatawag na leap year.
6. bakit di mataas ang highway?
Dahil kung mataas ang hiway, walang paglalagyan ng skyway.
7. ba't alang lumilipad na sasakyan sa flyover?
Hindi lang natin nakikita ang mga nagliliparang sasakyan sapagkat hindi tayo tumutingala kapag tayo ay nasa flyover. Ang pagsalin ng dayuhang salita na flyover sa katutubong wika ay "fly"-lipad, "over"-sa ibabaw. Ibig sabihin nito na ang mga kotse ay hindi lumilipad sa flyover ngunit sa ibabaw ng flyover. Ngayon kung titingala ka naman kapag ikaw ay nasa flyover ang tangi mong makikita ay ang kisame ng iyong sasakyan.
8. Ano ba si Jollibee lalake o babae?
Kung titingnan mo si Jollibee, may nakikita ka ba sa kanyang nakalawit. Eh di ibig sabihin babae ito, dahil wala kang nakikita. Isa pa ang pangalang Jollibee ay babae kung lalake ito
ang alam ko lang sagot sa number 5 :D
ReplyDeletehahaha! ;p
ReplyDeletemeron pakong isang tanong sis.. ang uod ba pag namatay inuuod rin :D ( anghirap magbasa dito!)
ReplyDeletesensya na po. cge palitan ko po yung theme ko.
ReplyDeleteregarding the uod.. sasagutin ko po sa susunod na di ako makatulog.
nyahahaha!
=))
ReplyDelete:D mukhang mahirap pag-isipan yang uod eh..
ReplyDeleteROTFL
ReplyDeletenice
ReplyDeleteay.. alam ko na sagot sa #8...!
ReplyDeletelalake si jollibee... nagsasalita na sya sa commercial..
hahaha...!
babae nga ba si jollibee???parang boylet eh :D
ReplyDeletemukha nga.. kasi nangki-kiss!! ;p
ReplyDeletedumudugo ilong ko. sumasagot si chris sa mga tanong mo! ayoko na! ayoko na!
ReplyDeletenusbled!
hehe.. post his answers! :D
ReplyDeleteate, dumudugo na ilong ko kakatranslate! mamaya pag nakahingi na ko ng dugo sa center. bwahahaha!
ReplyDelete