Akala ko this time magiging mas madali.. Well, akala ko lang pala! sabi nga ni Badong, sanay na naman ako.. yun din ang pagkakaalam ko pero mas mahirap pala this time..
Jhun was supposed to be here for just 45 days. Lumampas na nga siya sa time limit na binigay sa kanya. And masasabi ko naman na although sa maikling panahon na ngkasama kami naging sulit naman yun. And though expected ko naman 'to, iba pa rin pala pag anjan na..
Tama si Ibyang. Mas mahirap ang LDR relationship pag asawa mo na unlike kung BF/GF lang.. In a short period of time na nakasama ko sya, sobrang na-attached na naman ako. Naging dependent in a way. Ngayon pa lang na-mimiss ko na even the smallest things and ways he does nung magkasama kami
Wala na kong kayakap sa pagtulog, wala na magluluto para sa akin.. wala na kong kasama sa bahay, wala na kong kalaro, wala na ko kasama manood ng TV.. etc.. etc. lahat yun namimiss ko ngayon pa lang.
Sana kagaya ng dati, kayanin ko! Sana...