Monday, January 26, 2009

New from Bob Ong.. :)


1. Ang babae, nirerespeto, inaalagaan! Hindi 'yan PSP na bubunutin mo lang sa bulsa 'pag gusto mo ng paglaruan. Hindi 'yan iPod na papakinggan mo lang kapag wala kang libangan. At hindi 'yan Red Horse na p'wede mong laklakin hanggang madaling-araw. Ang babae, marami mang arte sa katawan, hindi 'yan gadget para kolektahin at paglaruan.


2. Bakit ka magpaparamdam sa taong hindi marunong makaramdam? 'Wag kang magpakatanga, sa taong hindi marunong magpahalaga. Matuto kang sumuko at mang-iwan, kung lagi ka namang sinasaktan.


3. Imbis na magtanong ka ng 'Hindi pa ba sapat?', bakit hindi mo na lang kalimutan ang lahat? Kung alam mong binabalewala ka na, tanggapin mong nagsasawa na s'ya.


4. Wag kang magpadala sa salitang 'sorry' at 'ayokong mawala ka.' Kung totoo 'yun, patunayan n'ya.


5. Paano mo masasabing special ka sa isang tao kung ang bawat ginagawa niya sa'yo ay ginagawa din n'ya sa iba?


6. Sabi nila, kahit ano daw problema, isang tao lang ang makakatulong sa'yo - ang sarili mo. Kaya siguro namigay ng konsensya ang D'yos. Alam n'yang hindi sa lahat ng oras gumagana ang utak ng tao.


7. Minsan pala kailangan rin ang lakas para sabihing mahina ka, ang karapatan kong madapa at bumangon sa buhay ng walang tatatawa, magagalit, magtatanong o magbibilang kung ilang beses na kong nagkamali at ilang ulit ako dapat bumawi.


8. Lahat naman ng tao sumeseryoso 'pag tinamaan ng pagmamahal. 'Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon.


9. Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sa'yo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.


10. Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? Alam ba nilang 'pag natuto silang umibig eh hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?


11. Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.


12. Kahit ikaw ay parang bato na manhid at walang pakiramdam, mag-ingat-ingat ka naman. Dahil kahit ganyan ka, hindi nasasaktan, kaya mo namang makasakit.


13. Ganyan talaga ang mga tao, pipihit-pihitin ang katotohanan hanggang sa sumang-ayon na ito sa kumportableng posisyon ng mga makasarili nilang puso.


14. Hindi naman yung taong mahal mo ang mahirap kalimutan nung nawala sya sa'yo eh, kundi yung taong naging ikaw dahil sa kanya.


15. Walang taong manhid. Hindi niya lang talaga maintindihan kung ano ang gusto mong iparating dahil ayaw mo siyang diretsuhin.


16. Pare, isa kang totoong tao at walang halong kasinungalingan. In English, FACT you, pare. Totoo ka. In English, FACT you!


repost from:
http://www.facebook.com/home.php?#/note.php?note_id=46421417502&ref=nf

wala lang nagustuhan ko lang..hehe

Sunday, January 25, 2009

Sunday @ Trinoma




Bonding ulet!! hehe :)
with my sister and brother.. kumpleto na naman kaming tatlo!

yesterday afternoon at trinoma.
sa yellow cab and coffee bean

Thursday, January 22, 2009

...



Monday, January 5, 2009

Wehehehe!!! :)

We are partners in crimesssssss...

yes, as in +ssssssssssssssssss..
pinangingilagan sa lokal..bwahahaha.
magkakasundo kami sa mga kalokohan pero sa may pagkakaiba naman sa mga preferences sa buhay. Sa guys, magkakaiba kami ng taste..hehehe

pero sa isang ito..


nyahahaha.. pare-pareho namin siyang gusto!! ANG GWAPO NIYA SA PERSONAL..promise!

pero sorry nlng kayo.. mas close kami..bwahahaha!!!



oh lola irene.. mas maganda pag-crop ko noh?! hehehe
mas bagay kami..



Thursday, January 1, 2009

Review

Natatandaan mo pa ba itong BLOG ko na ito??
Binalikan ko lang and tiningnan kung alin alin ang na-accomplish ko this year



Learn How to Drive
  • as of Aug 19, 2008 meron na kong Non Professional license. Eto oh..nyahahhaa!!
  • napilit ko si Papa, kaya tinuruan niya rin ako.. madali lang naman pala mag-drive kaso medyo takot pa ko kaya until now hindi pa rin ako makalabas ng subdivision.. paikot-ikot pa lang ako. hehe

Have a Passport     


  • done!!! hehehe. At muntik na kong makaalis ..hehehe. sayang talaga.  pero ok na rin siguro baka hindi pa talaga kalooban..haaayz.

Save for the Future


  • wala pa rin!! hehe pero at least may bahay na kami ni Jun.. nagshare ako dun konti..hahaha.medyo kapos kasi  yung budget nya pero ok lang kami naman titira dun.
  • Update: Baka early this year or hopefully before siya umuwi this coming March.. maka-move in na kami to our home

 
Yung iba ko pang plans.. secret muna.. wahahaha! (may ganun!) Iisipin ko pa lang. Sana He’ll shower me more blessings this year.. God Willing..

Really, God had showered me so much blessings this 2008. Sa sobrang dami, hindi ko na maisa-isa.. Basta. I'm really blessed! Kahit pa yung  sakit ko and di pagkatuloy sa abroad, I know that it's part of His blessings.

And this year, starts the new chapter of my life. .hehe


Disqus for Momsky D