Tuesday, December 2, 2008

Enchanted Kingdom




Promise ko to sa kanila.. Di pwede na umalis ako na di ito matuloy..

..And kahit na di na ko matutuloy, ayan.. hehe
Sobrang nag-enjoy naman sila, pati ako!! :)

sa mga bumili ng tickets..hehe salamat sa inyo!!
kahit na nauna pa kayo mag-EK kaysa sa nagbenta..hehe :p

Friday, November 28, 2008

Thanks Be to God!!!

I've just arrived from the hospital. Lumabas na kasi ang result of laboratory tests na ginawa sa akin last Tuesday. For those na hindi nakakaalam, I was diagnosed of having Hepa B last monday. Pili lang kasi sa mga contacts ko ang nakakaalam before this post.

Still, I am positive of Hepatitis B virus
but the good thing is I have a dormant virus inside. Meaning, the virus is here inside my body pero "tulog". It doesn't need medication kasi di naman siya magre-react sa kahit anong gamot na inumin ko or i-prescribed ng doctor. Ang gagawin lang is bantayan na wag siyang ma-trigger na maging active and tingnan yung liver ko para di maapektuhan..

Sensya na hindi ko alam kung ganyan ba tlaga ang paliwanag, pero sa pagkakaintindi ko sa doctor yan ang ibig niyang sabihin..hehehe

Natanong ko din siya(doctor) kasi nga Jhun will be coming home next year kasi nga di ako pwede na umalis, pano yun? Baka mahawa ko siya. Sabi ng dorctor He just need to be test if negative (malamang.. kasi lagi naman sila medical dun every 6 months, if positive matagal na siya pinauwi) i-vaccine siya para hindi ko mahawahan. Kasi kahit na maliit ang chance na makahawa ako, it is sexually transmitted so kailangan talaga.

And yun nga, siguro.. Back to the original plan.
I'll just need to wait mga ilang months pa para umuwi na lang siya.

Siguro I'll just need to be here.. Baka may kailangan pa kong gawin. And baka naman I was not meant for Taiwan.. Hehehe Baka sa ibang country 
Basta I just keep in mind, whatever it is, He has His reason.


Wednesday, November 26, 2008

Updates...


i have to do this..

Nagpacheck na ko kahapon kaso dahil after lunch pa
ang clinic ng doctor, di ko pa nagagawa ang mga ito..

yan lahat ang kailangan kong gawin..
ANG MAHAL MAGKASAKIT!!! kaya bawal magkasakit!! huhuhu

anyways pwede naman pala ipagawa sa labas ang laboratory tests
kaya baka makamura naman ako, calling mga kakilala ever..

the good news is kahit na nagbayad ako ng 1K for just
a 15mins consultation lang yata, na-kalma ako ng doctor
kasi napaliwanag niya sa akin ng maayos yung sakit ko if ever
totoo nga na meron ako nun.. haaaaaaaayzz..

guys, please continue praying, pakiramdam ko kasi ngkamali lang
talaga.. SANA!!!

Monday, November 24, 2008

I'm Positive of Hepa B

I undergo medical examination last week for those na hindi nakakaalam..
it's a must kasi I'll be working abroad.
Yes, I'll be going to my fiance sana and that was scheduled early next month. January 4,2009 to be exact.

Konting kwento para sa mga di nakakaalam:
Last August, pinayagan na po kami na magpakasal and that was originally set this coming March 2009. And dahil love na love si Jhun ng Boss niya at ayaw siya pauwiin, his boss offered na pwede naman niya ko kunin and doon na lang magwork kasama niya. So ako naman go!! the wedding was postponed muna. Siguro doon nalang sa Taiwan if ever Bro. Eli or Bro. Daniel will be coming sa Chinese New Year.

Ready na ko.. ang dami na naming plano.
Until 6pm this afternoon. I received a call from my agency and that's it..

I'm HEPA B positive!!

gusto ko ikalma sarili ko pero puro iyak na lang nagagawa ko.. I called him and told him the bad news..sabi niya siguro I should have a second opinion. Sa kilalang hospital. Kasi ngpacheck naman ako sa accredited medical clinic ng agency. But still natatakot ako..

I don't know anything about Hepatitis B..pero natatakot ako!
Mamatay na ba ko? Gagaling pa ba ko?

Bakit naman ngayon pa kung kailan paalis na ko???




Friday, November 21, 2008

I'm Yours




I'm yours of Jason Mraz sung by Del, acapella
astig grabe!! :)

nangopya ko ng post! hehe
galing galing niya.. I kras him na..haha!!

Disqus for Momsky D