Wednesday, April 16, 2008

Wag Naman Sana..

Audit period ang isa sa pinaka-busy days of my life.

Salamat sa Dios!! tapos na... tapos na..

Pero sa sObrang busy,
Wag naman sanang dumating sa point na ganito:


Na hindi ko na alam kung nasan na ang mga gamit ko..

Na dinala ko na inodoro't ginawang computer chair dahil di na ko makatayo para pumunt
a sa rest room.

Na kulang na lang, ahasin na ko

Wag naman sana..


And most of all, wish ko rin.. sana pagtanda ko,
hindi ako maging katulad nito:



Na lumabo na ng sobra ang mga mata dahil sa mga numero.

At uugod-ugod na ay kailangan pa ring magtrabaho..








Ayoko.. Ayoko..
Utang na loob!!


 



Thursday, April 10, 2008

A Message to ALL Multipliers

http://otsopya.multiply.com/links/item/19/A_Message_to_ALL_Multipliers

Wednesday, April 9, 2008

BEWARE of fraud seller!!

http://rachelcb.multiply.com/journal/item/4/BEWARE_of_fraud_seller_JAINE_DE_GUZMAN_RIEGEL_NERVIZA
Beware!!! certified fraud seller po..

Tuesday, April 8, 2008

Let Him Be Your Bitter Half

Disclaimer:

Please bear with me... It’s more of a sentiment. Anything goes! Medyo mahaba kasi matagal ko ‘tong kinimkim..


I had a long time friend and she’s into a relationship for quite a long time. Many of us, her friends, are not into her relationship with this Matsura Boylet (panget, jologs, pimple na tinubuan ng face, pandak or hindi kagwapuhang guy). We’re not into her relationship with this guy not because of his physical features but because of some aura that this guy projects... Basta, not too good feelings I have personally.


I’ve seen my friend sacrifices so many things and opportunity with this guy.

She even travel “a hundred miles” as I may say just to be with him. Not to mention resigning to her current job just to take the risk of finding her bread and butter to a place where she can be with her love one… Hay, pag-ibig nga naman!! But in spite of it all, we remain quiet and support her in anyway we could.

 
After a few months stay in that foreign land, my friend returned here in the Philippines for reasons I don’t exactly knew at first.

She was telling me that she can’t find work there, her hyperthyroidism got active and she had to have an operation here in Pinas. Her reason is true. Wala kasi siyang gamot na dala noon, kaya siguro ganon. But later, nalaman ko hindi lang yun yung reason...

 
She and her boyfriend split for a very good reason. I understand.

Her boyfriend is a worker of God. Her BF chooses the ministry of serving God than my friend. Of course, sino naman ang friend ko para mag-inarte di ba?! Hindi rin naman siya kagandahan (peace! ..hehehe) and sino naman siya para kalabanin ang Diyos.

 
So yun nga, my friend chooses to get back here and continue to live on her own knowing that this Matsura Boylet of her is there in that foreign land to work and to continue his calling as a worker of the church.

 
My friend gets back into reality. Enjoy her life with us, with her family and stay away from the truth na iniwan siya nung boylet na yun.

 
At eto ang istorya! (Nyahaha, intro lang yan)

 
A few months ago, my friend got news from her friends in that foreign land that this ex-BF slash matsura boylet is having an affair with a not so pretty, chubby girl doon..Aba.. Aba..Aba..ipagpapalit  lang ba ang friend ko sa not so pretty at chubby girl pa?!!

 
And take note:

  • this not so pretty, chubby girl is my friend’s friend there in that foreign land. Da gurl na mega pinasyal pa ang friend ko during her stay there. Ano beh!! Tour  guide ba itetch?
  • may boylet ang not so pretty, chubby girl.. boylet as in maliit na boy!! Korek!! May junakis.. Aww..  tsk! tsk!

 
Saklap di ba?!

 
All this time, akala ng friend ko this ex-BF slash matsura boylet eh nagpapaka seryoso doon. Yun pala may sineseryoso!! Eh syempre may I cry ang lola ko.. At ang sama pa, sinarili ang problema. Kaya pla after Baguio days.. (ayan, may clue!!) eh mega inaatake ang gel na ito! Yun pala sa tindi siguro ng sama ng loob!

 
And this is the saddest part of it!

 
Last year din, that not so pretty, chubby girl and this ex-BF slash matsura boylet got married. “Nakanampu’t pitong tupa!!” Ok lang siguro kung natukso kasi mag-isa sa malayong foreign land.. siguro mapapatawad ko na!! (ay, ni friend pla.) Pero magpakasal na ni “walang ni ho ni ha” sa friend ko.. ayyy grabe naman di ba?!!!

 
Tapos ito namang si not so pretty, chubby girl.. parang mega ngmamalaki pa ng sobra!!

 
Oo, wala na kaming magagawa dun sa nangyari. Kasal na kayo eh.. Nakuha nyo na ang wish nyo! Pero utang na loob!! Sana, matuto naman kayong umintindi ng nararamdaman ng ibang tao. Ako nga nasasaktan yung friend ko pa!!

 
Sa lahat ng ginawa nyo, nanahimik lang ang friend ko! Sa lahat-lahat inintindi niya kayo. Sana lang
give respect, to whom it is due!

 
Mega post ka ng avatar displaying your not so good pictures sa YM, sa friendster, sa multiply. Iha, aware ka naman yata na naka-add ka sa friend ko. Kung ako, i-dedelete kita!! Pero tanga yung friend ko eh. Masyadong mabait.. Biruin mo naman, friend ka pa rin niya in spite of what you've done Hmmp! Ewan ko dun.  Kung ako lang nasabunutan na kita! 

 
Honestly, nalaman ko lang yung story na ‘to about two weeks ago! Kasi nakita ko mukha nyo sa avatar sa YM. And I was really, really surprise... grabe parang natulala ako! Di ako nakatulog!! Siguro kaya hindi ito sinabi agad ng friend ko kasi ayaw niya na sumama ang loob namin. Na magagalit kami sa Matsurang boylet na ito. Na kahit papano naging kaibigan din naman namin dahil pinilit ko rin naman kahit at first ayaw ko tlaga.

Please lang..

 

To Matsurang Boylet:

We don’t expect you to get sorry for what you’ve done. Pero it’s good you feel that way. Nakita namin sa reaction mo this weekend eh.. di mo malaman gagawin mo nung nakita mo yung friend ko. That means, kahit papano nahihiya ka pala sa pinaggagawa mo! Kahit pano, na-feel ko ang pagsisisi.. Panalo ka dun!

 

To Not So Pretty, Chubby girl:

Sabi nga ni friend, kahit pano, na-miss ka niya! Friend ka niya kasi.
Pero for goodness sake, pakitanggal yung avatar mo neng, nakakasuka!
Lagi na lang magpapaalala sa masasakit na memories na binigay nyo sa kanya. Lagay mo na lang yun sa bahay nyo, kahit gawin mo wallpaper wala akong pakialam..

Okay!!.. yun lang.


To My Friend:

I heart you lang kasi kaya ko ginawa ‘to!
Sorry if kahit anong pagkalma gawin mo HB ako!
Nasasaktan ako lola.. Kasi love kita! It’s just a way of releasing the bitterness I have.. nyahaha! Mas bitter ako sa’yo. I know.

Sabi nung gurl, he’s her better half... Weeh ano ngayon! Pabayaan mo na sila.
Magsama sila. Isang malaking bangungot yun!

Let him be your bitter half!
Tama lang na kalimutan mo na siya.

Si Doc na lang..
Si  Doc  gwapo, matangkad, mabango!!  O di  ba?!
At least di  dugyot katulad ni ex-BF slash matsurang boylet.







Thursday, April 3, 2008

Nakatikim Ka Na Ba ng Ganito??

 

Hindi maitatwa na ang kendi ay naging malaking parte ng kabataan natin. Mga makukulay, mababango (although minsan may maantot) at masasarap na kending lalung nagpasaya sa atin at minsang nagpaiyak din dahil sa sakit ng ipen na dulot nito.

Balikan natin ang mga kending namayagpag at pumukaw sa mga puso at tastebuds nmin nung panahon ko.


1. KENDI MINT - eto ang kending kanunu-nunuan pa ng dynamite.ang official na kendi ng mga taong may tinatagong puot sa knilang kaloob looban.mint candy sya(malamang? !) na may lamang chocolate o kokwang mamasa masa sa pinakagitna. kulay green ang wrapper nya na may nakaimprentang eskimo na nakangite at parang gustong magpasubo na.

2. LIPPS -
ang kendi ng mga batang malalande,mapa nene man yan o tukling.cherry flavor na kendi na gawa sa benadryl (ayun sa pakilasa ko yan ha,mapait kase) at sandamakmak na pulang food coloring.sobrang makulay sa bibig,kadalasang ginagawang panghalili sa lipstik ng mga bata o di kaya dugo effect sa larung aswang aswangan.payak lang ang wrapper,kulay puti at pula tapos nakalagay lipps.


3. VIVA! -
ang kendi na ayaw na ayaw ni mother lily.caramel candy sya na mukang tae at mukang hindi masarap bilhin lalu na ang kainin.kulay tae din ang wrapper nya at mas mamatamisin mo pa cgurong ikendi ang naptalina kesa sa kending toh.

4. WHITE RABBIT -
ang bi-sexual na kendi.dalawa kase ang klase ng kending white rabbit,may tinatawag na local at imported.parang vivang pinahaba lang ung local version,toffeecaram el ang flavor at bukod dun eh wala ng ibang misteryong mahihita pa sa knya.kulay puti at super milking nougat naman ung imported. bukod dun sa chinese character na nakaimprenta sa wrapper nya eto ang pinaka pambato ng white rabbit imported,ang kanyang inner wrapper na pwedeng kainin at pagsaluhan ng buong pamilya.happy fiesta!


5. PINYA -
hindi ko alam kung anu ba tlaga ang lehitimong tawag sa kendi na toh,pero dahil hndi tayu masyado sure ay itago na lang natin sya sa pngalang ?pinya?.sya ang kending pinakafashionista ang wrapper dahil figuratively muka syang pinya.bagsak lang sya sa itsura ng wrapper dahil mukang tapeteng mura lang per yarda ang itsura nito. at ang lasa?..pinya!!. .malamang.

6. VICK'S -
ang kendi ng mga batang may kakambal o ng mga batang sadyang madamot lang tlga at pinalaking dupang?vicks candy.mentholated ang vicks at dalawang piraso sya ng kendi sa isang maliit na pack na hugis inverted triangle(kumporme sa paghawak mo).kulay hinog na uhog at pinaniniwalaan ng mga bata na nakakapagpaluwag ng paghinga.hndi ko alam kung associated tlga ang nakagisnan naming vicks candy sa vicks na pamahid sa sinisipon.


7. BUTTER BALL -
ang kendi na mga batang may malalaking bibig. ito ang peter's butterball, ang pinakamasarap sa lahat ng caramel candies. bilog syang candy na mejo may kalakihan ang hulma kung sa bata ipapasubo. sosyal ang wrapper dahil ito ata ang pinakaunang kendi na nasa pillow pack at kulay peach pa. bsta masarap,husto na yun!.

8. ORANGE SWITS -
ang ina ng mga gummi bears at potchi. malalambot na orange slices na pinatihaya, pinadapa at pinagulong gulong sa asukal hanggang sa magtanda! apat na slices per pack at mas madalas na makitang binebenta ngyun ng mga takatak boys kesa sa sari sari stores.


9. TOOTSIE ROLL 
- isa sa pinakasikat ng kendi nung panahon ko,sa sobrang kasikatan eh nagkaron pa ng dance craze na tribute sa knya nung early 90's. caramel candy din ang tootsie roll na kasing haba ng mongol na makatatlong beses ng tinasahan. bukod sa pwede syang kainin at sayawin ay pwede din syang itapal sa ngipen para magmukang bungal at yun ang pinakamasayang purpose ng tootsie roll.

10. ALMO -
ang pinagmulan ng mga ovalteenies. chocolate candies sya na mukang mga tabletang panlunas sa sipon at lagnat.nakalagay sa makulay at maliit na foil pack at kadalasang nakasabit sa tindahan dahil dugsong dugsong sya.masarap ang almo lalu na kung hindi mo sariling pera ang pinambili.


11. HAW FLAKES - ang buhay na patunay na hindi sa ikatlong baitang sa elementarya unang nagaganap ang pangungumunyon ng mga bata. ito ang haw flakes, ang kending galing pa ng tsina at naging saksi sa barter trade system. mas kilala sa tawag na?..oscha? dahil sa kakatwang itsura nito. maninipis at kulay maroon na amoy pawisang singit ng bata (maasim) , nevertheless may basbas at sagrado.


12. KENDING HUBO - also known as neto,nyan o dutdut motion. pabili nga po neto, pabili po nyan, o di kaya dutdut na lang dun sa garapon. ganyan ang kending hubo.ang kending walang sapat na pagkakakilanlan at impormasyon sa sarili.muka syang holen na iba iba ang kulay at flavor (kadalasan citrus/fruity) . may budbud syang asukal sa paligid at kadalasang nakalagay sa malaking garapon ng lady's choice.


13. LALA -
ang pinakamasarap ng tsokolate sa mundo ng pagkabata. mas kilala sa tawag na? milo?,ang lala ay gawa sa purong kokwa (cge magmarunong tayu sa ingredients) na hinulma into small rectangular chocolate bars na may nakaemboss na parang rehas ng veranda. sobrang masarap at sobrang tindi din kung magpasakit ng ngipin, nevertheless masarap.un naman ang importante eh.

14. CHOC-NUT - ang hall of famer sa lahat! sya ang pinakasikat na kendi (o kung anumang twag sa klase nya) sa balat ng pilipinas! gawa sa natuyong peanut butter at chocolate na hanggang ngayun ay hndi ko makapa ang lasa na binalot sa palara. All time favorite ng panghimagas o pampalipas oras. chocnut is simply the best (naks! parang HBO)?

 

repost ko lang po from a friend's blog! naaliw naman ako sobra dito.. mukhang magka-age kami..hehe

kilala ko 'tong mga kendi na 'to!! ikaw kilala mo??

 

 

Disqus for Momsky D