Wednesday, February 13, 2008
Sunday, February 10, 2008
Happy 11th Year Anniversary!!!
Yes, it’s our 11th year Anniversary today.
We have been boyfriend and girlfriend since February 10, 1997. We we’re 3rd year high school then.. Yes, more than a decade. Kakagulat ba?
That’s the common reaction.
Some may say..
- Yung totoo?? HINDI.
well, siguro sabi nga ng iba.. I’m too contented sa maraming bagay.
I’m happy with my work, with my family.. And I guess happy na rin ako ako sa kanya. And I think, that’s what really matters. That’s the secret ingredient... CONTENTMENT.
Sabi nga:
“But godliness with contentment is great gain”
When we had each other kasi back in HS, sinabi ko sa sarili ko.. This guy would be my first and hopefully my last. So there's no reason for me to look for someone else.
- Ok lang tlaga kahit LDR??
- When he left, He brought my Heart.. Nahahaha! ANG CORNY!!!
Another secret ingredient... TRUST.
I know him enough to give my full trust in Him. At times, naiisip ko lalaki sya, pwede niya magawa lahat ng gusto niya without me knowing it. Pero sino mag-suffer kung mag-iisip ako ng negative! Papahirapan ko lang sarili ko di ba?! Isa pa I know Him, he’s a God fearing, loyal and trust worthy guy. So I don’t think I need to worry.
- May wedding plans na ba?
- LOVE.Of course napapag-uspan. I know for a fact that I want him to be my man for the rest of my life pero wala pang details kung kelan na ba tlaga. Little by little.. we need to plan everything..
- To share with you guys, He bought our wedding ring na! yiheee!!!.. almost 3 months na yata.
And His anniversary gift for me this year..
Awww.. naiyak ako dito! Sobra.
Not because I know it’s the most expensive gift I receive from Him pero kung babae ka, you know the feeling.. Isa pa, we're not getting any younger. Sabi nga mga officemate ko,
"Uy 27 ka na sa March, mag-asawa ka na!"
Ako: Asan ang aasawahin?? Wahahahaha! At ako mag-propose?
To you my Baby,
Thank you for everything.
Thank you for taking care of me.
For always making me feel so special!
I love you Bebe!!!
Friday, February 8, 2008
All About Him
** nakigaya lang.. sobrang nainggit ako sa mga blogs nyo May, Bhenie, Janis and payi na rin kay Angel.. Hahaha!
His age:
- 26
His Middle Name:
- Ancheta
How long have you been together?
-- 2 days b4 11yrs.
How long did you know each other before you started dating?
-- classmates kami sa HS. 3rd year HS nung naging kami
What physical feature attracted you to him first?
-- Eyes.
Hair color:
-- Black-brown.
Eyes:
-- Black
RELATIONSHIP STUFF:
Are you “in love”:
-- Yup. Very Much!
Do your parents like him:
-- Yes. Favorite siya ni Mama. Pag na-aaway kami ako pa pinapagalitan! Ako yung sinisisi kahit na fault niya naman
Does it matter?
-- Yes, Oo naman..
Do you trust him?
-- Sobra. If not, matagal na siguro kaming wala.
Does he let you wear his shoes?
-- Not the shoes. Slippers nya gamit kO pag nasa house nila ako.
Do you have a shirt of his that you sleep with?
-- Yup merOn.. nilalagyan ko pa ng perfume niya. Para di ko siya gano na-mimiss. Feeling ko lagi ko siya katabi
Can you picture having kids with him?
-- Yes. Oo naman! Baby boy gusto namin .
Does he have a temper?
-- Nope. Bilib ako sa patience niya. Di nga yata marunong magalit eh.
Are you happy to be with him?
-- Of course. 11 yrs is 11 yrs, kahit saan mo tingnan yan!
SOME OTHER STUFF:
Does he have any tattoos?
-- None.
Does he have any scars that you know of?
-- Yes. Sa ulo. kaya di siya ngpapakalbo. Pendong ba tawag dun.. Hahaha!
Is he a party dude or stay at home kind of guy?
-- Stay at home.
Is he Outgoing or Shy?:
-- Shy! Lahat naman sila sa family ganun.
Would he hang out with YOUR friends?
-- Yes. Pero hindi ganO nakikipag-usap. Tahimik siya tlaga.
Does he sing?
-- Yes. Kaso natatawa ko pag kumakanta siya. ewan ko.. basta natatawa ako! Kaya ayun, nahihiya na. Namumula tapos sasabihin "ayawan na nga!"
Does he snore?
-- Yes! Pero ok lang snOre din naman ako! Mas malakas! Hahahaha.. joke.
Do you like his friends?
-- Yup. He have friends na sa akin nakikipag-communicate. Mas close pa kami kesa sila!
Do you know how to turn him on?
-- Yup. Every girlfriend should know how!! ano beh..
How many times a day do you tell him you love him?
-- I often say the words.. Yun nga lang sa phone and texts na lang ngayon
Most unforgetable momery with him:
-- Nung first time siya umalis to work abroad.. I was crying so hard that night. He dry my tears and say " Don't cry babes, i'm doing this for you.. for us! Trust me, babalik ako. Hindi ka na ulit iiyak.."
Tuesday, January 29, 2008
My Friend's Abortion Story
Late this moring, my best friend Sheng PM.
Medyo na-shock ako sa story niya because at first akala ko
it's about her new born baby boy Cedie.
He'll be baptized kasi on Sunday, February 3, 2008.
Malas ni Cedie, sabi ni Sheng Ninang daw ako!
Hindi ko sure if makakarating ako.
Alam nyo naman na di kasi ako visible sa mga
ganyang occasion eh..
So heres her story about abortion:
sheng: lam mo b ung nakuha kong katulong
Donna: ano?
sheng: kagabi nilaglag nya ung baby s cr namin
Donna: Haa??
sheng: ayaw kc nya lumabas ng cr
sheng: eh lampas n xa ng 1hr dun s loob tpos ang lakas ng buhos ng 2big
sheng: umapaw n s labas tpos kulay dugo
Donna: halla
Donna: ano nangyari kay cedie?
sheng: kc nga parang wala s srili ung ka2long nmin
sheng: hndi umiimik tpos kpag inutusan ayaw sumunod
sheng: gus2 nya nkaupo lagi tsaka ma2log
sheng: un pala buntis
Donna: nyay!
sheng: ilang beses n xa tinanong ni mama sbi nya tlgang malaki lng dw tyan nya dati n
sheng: tinawag ko c papa para xa kumuha ng bata
sheng: tpos nakita ni papa nasa bowl hndi nya maflush kc malaki n
Donna: nahulog nya si cedie? ano nangyari? nabukol ba?
sheng: hndi c cedie
Donna: hay naku! ano beh.. akala ko naman si cedie
Donna: natakot naman ako sayo!!!
sheng: ung baby n inabort
sheng: gus2 nya iflush s cr namin
Donna: ay ganun?!..nakita mo yung bata?
sheng: uu nilagay ni papa s basket
sheng: tpos binalutan ko ng kumot kc umiiyak
sheng: tapos nanginginig xa
sheng: tpos maputi n parang matigas
sheng: hnwakan ni papa matigas n daw
sheng: pero mahina ung iyak parang pusa n naipit tpos sinisipon
sheng: kc nga nilunod nya s bowl
sheng: eh hndi n un kasya kc buo n tlaga
sheng: as in kumpleto lahat
sheng: dinALA s hspital tpos nlagay s incubator 6mos n nga daw
sheng: pero sbi ng iba bihira dw nabbuhay ng 6mos
Donna: ahh
Donna: grabe naman yung babae na yun!
Donna: hindi man lang natakot. Eh baby nya un ah?!
sheng: uu nga
sheng: sabi s hospital bka kasuhan p xa
sheng: kc alam ng doctor n nilubog nya s 2big
sheng: kc nga marami clang nakuha s bibig nung nai-pump nla
Donna: kinikilabutan naman ako sa story mo! grabe.
sheng: ako nga din hindi kmi maka2log
sheng: tpos nkkatakot mag cr
sheng: lhat kc cla nagulat bkit nya gus2 patayin eh umiiyak nga
sheng: nkkaawa tlaga kng marrinig mo ung iyak
Donna: pano niya nilaglag? e di ba di naman lalabas un basta
sheng: nung sun. pumunta ata xa s quiapo
sheng: bka uminom xa ng gamot
Donna: how old is she? bata pa ba?
sheng: 20
Donna: hirap talaga humanap ng yaya ngayon. siguro nxt time kumuha ka yung kakilala mo tlaga.
sheng: uu nga ung mother ni rico kgabi muntik ng atakihin
sheng: kc nga sumilip xa s cr nakita nya parang my ulo nga dw s bowl
sheng: ako hndi tlaga sumilip kc kabado n nga ko
sheng: buti n lng tlaga dumating n nanay ni rico kng hndi
Donna: ay soowss.. grabe! parang nasusuka ko sa kwento mo pa lang
sheng: bka ung anak ko p mapagbalingan nya ng galit
Donna: oo noh, wag mo na pabalikin sa house nyo yang yaya mo. kumuha ka na ng iba
sheng: eh pano yan ayaw nman xa puntahan ng kuya nya
sheng: ayaw nga mgreply eh
sheng: tpos ung nanay nya tinawagan nmin s province sbi kmi n daw bhala
sheng: tpos ung ate s hongkong ksama ng anti ko wala lng din s knila
sheng: eh dami p nman binibiling gamot
Donna: haaayy.. hayaan mo na. tulong mo na yun sa kanya and sa baby.
sheng: eh pano nga ung mga gastusin s mga ssunod n araw bka kmi p sisihin ng family nya
Donna: God will provide naman for sure. Malay mo kaya sa inyo nangyari yan kasi "you could help!
Donna: siguro naman mas mahi-high blood ka kung yung baby mo yung may nangyari
Donna: be thankful nalang at ganyan lang problema mo. Next time, pag kukuha ka ng yaya, hingan mo ng medical certificate.
sheng: ayoko n nga kumuha ng ka2long
Donna: oo nga, much better. Andyan naman mama mo tsaka yung mama ni rico db?!
sheng: haaaaay... what's happening!
sheng: wala nga kmi problema mgasawa pero mukhang bnibgyan tlaga kmi ng spice s buhay...
Donna: hahaha! ano masaya ba ang maried life?
Donna: hehehe
sheng: married life ok n ok masaya tlaga kmi
sheng: hndi ko p nararanasan ung cnsabi nla n mahirap mgasawa
Donna: hehe.. siguro in the coming years.
Donna: ang sama ng ugali ko! hehe
sheng: hndi nman cguro...
sheng: tsaka we really pray hard... evrything n xa n bhala s amin
Donna: yup! prayer really works.
Donna: pray for your yaya na rin siguro..
sheng: bka ikasi iwan nya ung baby s hspital kc mtagal p un s incubator and worst baka magpakamatay pa. Ayaw din kasi panagutan ng BF niya.
Donna: ay naku iuntog mo na sa pader yan pag ganyan. problema na nga papakamatay pa. edi problema nyo na naman un!
sheng: kc ung family ayaw man lng xa suportahan.. kc nga pagcnasabihan matapang p xa. tpos hndi tlaga ngssabi ng totoo. kainis nga kausapin. c rico n lng pinapakausap ko dun.
Donna: nyaiks.. ano ba yan! pati tuloy ako nagagalit na!!!
sheng: kaya nga balak xa kasuhan ng mga doctor kc cguro nkkita nlang hndi nagsisisi. syempre my batas kya dun infanticide kaso nya
Donna: Hay. hala ngkwentuhan nlng tayo. ako naman kakasuhan na rin.
Chatting during office hours
Donna: wahahaha!
sheng: hehe
Sheng: scge, back 2 work at bka wala k sahod s thurs or worst mawalan ka ng work!
Donna: hahaha.. oo nga! sige goodluck sayo! kaya mo yan.
Friday, January 18, 2008
Phone Codes
I used to have codes on my phonebook before...
Yun bang tipong pag cute, cute na name din binibigay ko sa kanila. And pag di ko sila gaanong feel or bad sila.. well, they deserve a bad name from me.. wahahhaha
Meron akong codes sa phonebook like:
Cupcake – he calls her BF cupcake kasi e. Errrrr.. ang corny!
Puddle – She's our guidance counselor! Hehehe
She looks like puddle.. promise! Wahahaha..
Kamote – Yung copy cat sa room namin yun. Lagi nangangamote.
Maruja – mukhang moo-mooo kasi. kapal ng foundation! panget!
Butchog - yan yung term naming sa mataba e.
But after college, graduate na rin ako sa mga ganun. Kaya when you see my phonebook.. Formal na formal. “AS IN”. Complete name na ang nakalagay. Dumating din kasi sa point na dahil codes yung nilalagay ko di ko na malaman kung sino na nga ba yun! Bwahahaha!
Last night.. Happy kasi ako.. May, keep quiet ha?! Secret muna yung sinabi ko sayo kagabi about Jhun.
So ayun, we had a conversation ni Anna May sa YM. I don’t know, di ko na matandaan.. Basta ask ko siya about that ALMOST PERFECT niya. She told me, it’s Tramtram. So hindi pala tramtram yung name sa phone niya.. Sabi niya, Almost Perfect ang code na nakalagay.
Dahil happy nga ako and in the mood makipagkulitan, ask ko siya.. “ Eh ako, ano name ko sa phonebook mo?”
May: Hmmm.. Ikaw si.
May: Flatfoot. Hahahahaha!
Me: Flatfoot ampfttt!!!
** dahil yun d2:
We were laughing and laughing last night hanngang sa ayun, napunta na kami sa guessbook ni Janis. FYI.. Acording to her, Siya si Via and si Janis naman si Ula..
At alam nyo ba ang binigay na pangalan sa akin ni May??
Mulawin
Imbestigador &
Super 10
Musta naman yan?! Ayoko ng Super 10..
kapartner ko pa yung kontrabidang tabachoy dyan.. Palitan mo yan Anna May.
** padyak paa.