Monday, February 9, 2009

Yuan-Xiao Festival?? No..

Start:     Feb 8, '09 6:00p
End:     Feb 9, '09 6:00p
Chinese celebrate 15-day long festival for Chinese New Year. Chinese Lantern Festival (Yuan-Xiao Festival) is the last day of 15-day Chinese New Year Festival. That means Chinese Lantern Festival is on the 15th day of the first lunar month in the Chinese lunar calendar.

2009 Chinese New Year Day is on the January 26, 2009.
Therefore the 2009 Chinese Lantern Festival is on February 9, 2009.
The major cities in China will decorate new year lightings and lanterns before the New Year Day. But the Lantern Festival Party will kick off on the 15th lunar day.

Hindi po ako Chinese.. and No I don't celebrate this festival.
Eh anong meron ngayon?? hehe

Today is my 8th birthday in the Church!
Thanks be to God.. :)


Thursday, January 29, 2009

Pa-share naman ng secrets., lols!!! :p

mga friendships, serious po ito..
pa-share naman ng beauty secrets nyo..wahahaha!

ganito kasi yun..
kung kailan yata ako tumanda, tsaka naman ako ngdalaga.
meaning, dumadami pimples ko!!waaaaaaaaaaah!
i don't know, baka dahil sa stress or di kaya dahil madumi dugo ko.. ewan!!

hopefully by next month or early march this year, e dadating na ang

fafable ko kaya kailangan,.,. MABYUTI ako..wahahaha!!

may marerecommend ba kayong derma, procedures,
beauty products like cream, soap, etc..

please help!!!


Monday, January 26, 2009

New from Bob Ong.. :)


1. Ang babae, nirerespeto, inaalagaan! Hindi 'yan PSP na bubunutin mo lang sa bulsa 'pag gusto mo ng paglaruan. Hindi 'yan iPod na papakinggan mo lang kapag wala kang libangan. At hindi 'yan Red Horse na p'wede mong laklakin hanggang madaling-araw. Ang babae, marami mang arte sa katawan, hindi 'yan gadget para kolektahin at paglaruan.


2. Bakit ka magpaparamdam sa taong hindi marunong makaramdam? 'Wag kang magpakatanga, sa taong hindi marunong magpahalaga. Matuto kang sumuko at mang-iwan, kung lagi ka namang sinasaktan.


3. Imbis na magtanong ka ng 'Hindi pa ba sapat?', bakit hindi mo na lang kalimutan ang lahat? Kung alam mong binabalewala ka na, tanggapin mong nagsasawa na s'ya.


4. Wag kang magpadala sa salitang 'sorry' at 'ayokong mawala ka.' Kung totoo 'yun, patunayan n'ya.


5. Paano mo masasabing special ka sa isang tao kung ang bawat ginagawa niya sa'yo ay ginagawa din n'ya sa iba?


6. Sabi nila, kahit ano daw problema, isang tao lang ang makakatulong sa'yo - ang sarili mo. Kaya siguro namigay ng konsensya ang D'yos. Alam n'yang hindi sa lahat ng oras gumagana ang utak ng tao.


7. Minsan pala kailangan rin ang lakas para sabihing mahina ka, ang karapatan kong madapa at bumangon sa buhay ng walang tatatawa, magagalit, magtatanong o magbibilang kung ilang beses na kong nagkamali at ilang ulit ako dapat bumawi.


8. Lahat naman ng tao sumeseryoso 'pag tinamaan ng pagmamahal. 'Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon.


9. Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sa'yo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.


10. Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? Alam ba nilang 'pag natuto silang umibig eh hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?


11. Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.


12. Kahit ikaw ay parang bato na manhid at walang pakiramdam, mag-ingat-ingat ka naman. Dahil kahit ganyan ka, hindi nasasaktan, kaya mo namang makasakit.


13. Ganyan talaga ang mga tao, pipihit-pihitin ang katotohanan hanggang sa sumang-ayon na ito sa kumportableng posisyon ng mga makasarili nilang puso.


14. Hindi naman yung taong mahal mo ang mahirap kalimutan nung nawala sya sa'yo eh, kundi yung taong naging ikaw dahil sa kanya.


15. Walang taong manhid. Hindi niya lang talaga maintindihan kung ano ang gusto mong iparating dahil ayaw mo siyang diretsuhin.


16. Pare, isa kang totoong tao at walang halong kasinungalingan. In English, FACT you, pare. Totoo ka. In English, FACT you!


repost from:
http://www.facebook.com/home.php?#/note.php?note_id=46421417502&ref=nf

wala lang nagustuhan ko lang..hehe

Sunday, January 25, 2009

Sunday @ Trinoma




Bonding ulet!! hehe :)
with my sister and brother.. kumpleto na naman kaming tatlo!

yesterday afternoon at trinoma.
sa yellow cab and coffee bean

Disqus for Momsky D