Naisip ko lang.. Sa dami-dami ng nakakasalamuha natin sa araw-araw in reality and online world.. Pano nga ba tayo pumipili ng ating mga kaibigan? Hindi naman masasabing mapili.. pero syempre meron tayong mga batayan. Ako in particular, I choose my friends. Kaya nga naka for contacts only ako eh.. lols
Eh ano ba yun mga batayan ko? - Those who have God. Not necessarily ka-religion or of the same church. Basta syempre mas ok na yung naniniwala na may gumawa ng lahat ng bagay kaysa naman sa taong di alam kung saan siya ngmula. Tingin ko kasi sa mga aetheist "loko-loko eh!" hehehe
Eh kasi di ba?? Basta yun na yun - Jolly. Hindi naman yung tumatawa mag-isa. Praning naman un! Pansin ko lang, lahat ng friends ko masayahin. Para sa akin kasi jolly people are positive thinkers. Yun bang tipong kahit may problema, may solusyon yan. Tawanan mo na lang muna.
Minsan kasi pag malungkot ka na nga or may problema, mangot pa nakakausap mo eh ano pa mangyayari sa'yo?? - Alam kung saan ilalagay ang sarili. Sabi nga "matuto ka lang ilagay ang sarili mo sa lugar, tao ka na" Parang ganito lang. Although magkaibigan tayo, there are things na hindi ganon kadaling sabihin or i-confide. Give me time. Kaibigan kita kaya you should know na sasabihin ko rin naman yun sayo pag oras na.
- Honest. At times nakakapagsinungaling din naman ako. White lies. Lalo na kung alam kong yun ang mas mabuti. Pero I really hate liars. Pag honest kasi ang isang tao nandun na rin yung napagkakatiwalaan mo siya.
- Hindi Ma-Drawing. Ma-drawing in the sense na maraming kathang isip. Gusto ko malawak ang pag-iisip pero di naman kailangan na mag-imbento ng stories just to win me as friend. I see to it that I see good points in one person kahit pa gaano siya kapangit or di ko gusto in my first impression.
- Hindi Mayabang. Ayaw na ayaw ko yung mahangin at maangas. Di na siguro kailangan ng mahabang paliwanagan don!


